Aarangkada na ngayong weekend ang bagong beep card ticketing system sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 o LRT1.
Ito’y kasunod ng matagumpay na pilot test ng contacless beep cards noong isang buwan.
Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, may mabibiling coupons o paper tickets na ipapalit sa magnetic cards.
Sinabi ni Cabrera na ang mga magnetic card holder, partikular ang mga stored value, ay maaaring magpa-refund mula Agosto 8 hanggang 15.
Sinasabing hindi na kailangang pumila ng mahaba ang mga biyahero dahil maaari itong lagyan ng laman sa pamamagitan ng bangko at bayad centers.
Ang beep card system na mas kilala ring tap-and-go system o contactless automatic fare collection system ay kauna-unahang Public-Private Partnership o PPP Project sa ilalim ng Aquino administration.
By Jelbert Perdez