Sisimulan na sa Linggo, Agosto 16, ang trial sa paggamit ng mga bagong beep card ticket sa Light Rail Transit (LRT).
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, Tagapagsalita ng LRTA, maaari nang magamit ang beep cards sa lahat ng istasyon sa south bound ng LRT Line 1.
Maliban dito, isasalang na din sa trial ang paggamit sa unified stored value beep cards sa southbound ng LRT Line 1 at sa LRT 2.
By Katrina Valle