Kapwa nakapasok na sa semi-finals ng PBA Philippine Cup ang Magnolia hotshots at San Miguel Beermen, matapos patumbahin ang kani-kanilang kalaban sa quarterfinals.
Sinipa ng hotshots ang Rain or Dhine Elasto Painters sa score na 96 – 86 habang pinatalsik ng SMB ang Northport batang Pier sa score na 100 – 95 upang tuldukan na ang kani-kanilang quarterfinals match.
Sasagupain ng Magnolia sa best of 7 semifinals series ang mananalo sa laro ng Meralco bolts at NLEX road warriors na maghaharap mamayang ala sais ng gabi sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.
Nagpakawala si Paul Lee ng 24 points para sa magnolia habang sumalaksak ng double-doubles 20 points at 19 rebounds si Calvin Abueva.
Kumamada naman si CJ Perez ng 21 points para sa San Miguel habang nag-ambag ng 17 points si Moala Tautuaa.
Samantala, itinakda ng beermen ang semis showdown nila ng number 1 team na TNT Tropang Giga.—sa panulat ni Drew Nacino