Tabla na ang koponan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa Game 2 ng best of seven finals sa PBA Philippine Cup.
Lalo pang naging agresibo ngayon ang Beermen upang hindi na maulit pa ang mapait na pagkatalong sinapit nila noong Game 1 kung saan, naselyuhan nila ang laro sa score na 92-77.
Bumida sa nasabing laban si Arwind Santos na nakabuslo ng 24 na puntos habang 16 puntos naman ang naibuslo ni Marcio Lassiter at 15 puntos naman ang kay Alex Cabagnot.
Malaki naman ang pasasalamat ni Beermen Coach Leo Austria sa kaniyang team dahil sa pagsusumikap nitong masungkit ang Game 2 at umaasa siyang magtutuloy-tuloy na ito.
—-