Nabigo ang San Miguel Beermen na malasap ang inaasam na grand slam title.
Ito ay matapos na matalo at tambakan ng Barangay Ginebra sa kanilang paghaharap sa quarter finals ng PBA Governor’s Cup.
Nakagawa lamang ng 84 points ang San Miguel kontra sa 104 ng Ginebra.
Ayon kay Barangay Ginebra Coach Tim Cone, ginawa nila ang lahat ng makakaya sa laban bagama’t hindi nila akalaing matatalo nila ang San Miguel.
Susunod namang makakalaban ng Gin Kings ang mananalo sa pagitan ng Rain or Shine at TNT.
—-