Bumawi ang Barangay Ginebra sa game 4 ng 2018 PBA Commissioners Cup.
Naitabla ng Gin Kings sa 2-2 ang serye matapos na ilampaso kagabi ang San Miguel Beermen sa iskor na 130-100.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nakapagtala ng tatlumpu’t pitong puntos at labing isang rebounds.
Nag-ambag naman si Greg Slaughter ng labing siyam na puntos habang sumikwat ng labing walong puntos si Joe Devance.
Unang quarter pa lamang ay hindi na pinadikit ng Gin Kings ang Beermen.
Napabilib naman ng husto si Ginebra Coach Tim Cone sa ipinakitang performance ng kanyang mga manlalaro ngayong Game 4.