Desidido ang San Miguel Beermen na makuha ang ikatlong sunod na panalo sa Game 3 ng PBA Governors’ Cup Finals kontra Alaska Aces.
Ayon kay San Miguel Coach Leo Austria, mananatili ang kanilang istratehiya laban sa Alaska.
Sinabi ni Austria na nais nilang masungkit ang 3-0 lead upang mas lumakas aniya ang kanilang tiyansang maiuwi ang kampeonato.
Mas mahihirapan aniya ang Aces na makapaglaro at makapag-isip kung baon na sa pagkatalo ang koponan ng mga ito.
Matatandaang inilampaso ng Beermen ang Aces sa Game 1 sa iskor na 108-78 habang hindi rin nakaporma sa San Miguel ang Aces sa iskor na 103-95.
By Ralph Obina