Liyamado na ang defending champion San Miguel Beermen sa best of seven series ng 2018 PBA Commissioners Cup Finals.
Muling sumikwat ng panalo ang Beermen sa Game 3 matapos patumbahin ang sister team na Barangay Ginebra Gin Kings sa score na 132-94, sa Araneta Coliseum, kagabi.
Nagpakawala ng 28 points si renaldo balkman upang i-angat ang smb habang sumalaksak ng 32 points si justin brownlee para sa ginebra.
Ito ang unang beses sa kasaysayan ng PBA Finals na umabot sa mahigit 25 puntos ang kalamangan ng isang team sa kalaban sa tatlong magkakasunod na game.
Una ng tinambakan ng Gin Kings ang San Miguel sa Game 1 sa score na 127-99 habang bumawi sa Game 2 ang Beermen sa score na 134-109.
Sa ngayon ay 2-1 na ang kartada sa best-of-seven series ng Finals habang maghaharap muli ang dalawang koponan sa Big Dome, para sa Game 4, bukas.
—-