Hindi natinag sa number 1 spot ng 2016-2017 PBA All Filipino Cup ang defending champion San Miguel Beermen.
Tagumpay ang Beermen na madepensahan ang kanilang pamamayagpag matapos pataubin ang Meralco Bolts sa score na 101-86, sa Cuneta Astrodome, sa Pasay City, kagabi.
Hawak na ng SMB ang kartadang 5-1 habang nananatili sa bottom 4 ang Meralco sa standing na 2 wins at 4 losses.
Sa ibang game, nakabangon ang Phoenix Petroleum Fuel Masters mula 26-point deficit sa simula ng fourth quarter upang malusutan sa score na 101-99 ang Globalport Batang Pier.
Ginulantang ng Phoenix ang Batang Pier dahilan upang umangat ang Fuel Masters sa top five ng All Filipino Cup sa kartadang 4-3 habang nanganganib sa 8th spot ang Global Port.
Umarangkada si Mark Borboran matapos magpakawala ng career-high 23 points kung saan inihabol nito ang winning basket sa nalalabing 2.4 seconds ng crucial game.
By Drew Nacino