Tila walang plano si San Miguel Coach Leo Austria na paglaruin ang kanyang bagong player na si Gary David.
Ngunit dahil sa kahilingan ng fans ay ginamit ni Austria si David sa huling yugto ng 4th quarter upang palitan si Marcio Lassiter.
Agad namang kumonekta ng 2 puntos si David sa pamamagitan ng baseline reverse para tampukan ang panalo ng Beermen kontra Phoenix Fuel Masters sa score na 121-109.
Lumamang ang Fuel Masters ng 19 puntos sa first half pero nahabol ito ng Beermen at nagtapos ang match sa score na 121-109.
Pinangunahan ni Wikerson ang panalo ng San Miguel matapos kumamada ng 40 puntos.
By Mark Makalalad
Photo Credit: PBA Images