Tatangkaing selyuhan ng PBA All Filipino Cup Defending Champion San Miguel Beermen ang kanilang pagiging number 1 sa torneyo, mamayang gabi.
Haharapin ng San Miguel ang Meralco Bolts mamayang alas-7:00 habang sa unang game ay magsasagupaan ang Global Port Batang Pier at Phoenix Petroleum Fuel Masters alas-4:00 hapon, sa Cuneta Astrodome, Pasay.
Susubukan ng Meralco na maka-abante mula sa bottom four at basagin ang pamamayagpag ng SMB habang kapwa pursigido rin ang Global Port at Phoenix na umangat mula top 8.
Aminado naman si San Miguel Coach Leo Austria na hindi sila nagpapaka-kampante lalo’t uhaw sa tagumpay ang Bolts na inaasahan din nilang reresbak mula sa mga pagkatalo.
Hawak ng Beermen ang kartadang 4-1 sa top spot habang nasa rank 10 ang Meralco na kakailanganin ng dalawa hanggang tatlong panalo upang makapasok sa top 8.
By Drew Nacino
Photo: PBA Images