Nalusutan ng defending champion San Miguel Beermen ang Rain or Shine Elasto Painters sa semi-finals ng 2016 PBA Philippine Cup.
Pinataob ng Beermen ang Elasto Painters sa score na 109-105 sa Game 1 ng best of 7 series, sa MOA Arena, Pasay, kagabi.
Mula sa 20 puntos na kalamangan ng Rain or Shine, humabol ang San Miguel sa huling quarter sa tulong ng forward na si Junmar Fajardo na kumamada ng 36 points at Ronald Tubid na nagpakawala ng 15 points kabilang ang tatlong tres.
Aminado si SMB Coach Leo Austria na hindi siya makapaniwala ng nahabol nila ang 20 puntos na kalamangan.
Hawak na ng Beermen ang 1-0 lead kontra Elasto Painters habang nakatakda bukas ang Game 2 sa Araneta Coliseum.
By Drew Nacino