Siniguro ng pamahalaan ng Belgium na magiging available sa Pilipinas at iba pang mga nasyon ang mga COVID-19 vaccines na gawa ng mga bansang sakop ng Europa.
Sa isang verbale note, mula sa kanilang embahada sa Maynila, inihayag ng Belgian government na mayroon silang bagong panuntunan para sa mga pharmaceutical companies na Magrerekwes ng lisensya para makapag-export ng kanilang COVID-19 vaccines sa labas ng european union.
Naniniwala ang gobyerno ng Belgium, na mas masisiguro ang transparency ng vaccine delivery kapag mayroong export license na magiging epektibo hanggang sa Marso 31, 2021.
Tiniyak naman ng Belgian government na sa inilataga nilang mga bagong patakaran, masisiguro nilang matutupad ng mga kumpanyang ito ang kanilang mga obligasyon sa mga developing countries at hindi magkakaroon ng anumang pagkaantala sa kanilang distribusyon ng COVID-19 vaccines.