Mahigpit ang pagbabantay ngayon ng Belgian Police sa kanilang bansa matapos makatanggap ng anti-terror alert warning na patungo ng Europa ang grupo ng Islamic State Fighters para sa isasagawang pag-atake sa Belgium at France.
Galing umano sa Syria ang mga teroristang grupo.
Agad namang inalerto ng Belgian Crisis Center ang police forces sa naturang bansa.
Sa ngayon, wala pang planong itaas ang security level na nagpapahiwatig nang nalalapit na pag-atake o banta.
Ipinadala na rin ng Belgian Authorities sa French counterparts ang natanggap na anti-terror alert warning.
By: Mariboy Ysibido