Binalikan ni PACC Commissioner Greco Belgica si Senador Manny Pacquiao sa pahayag nitong nag doble ang korupsyon sa gobyerno.
Sinabi sa DWIZ ni Belgica na wala namang inilabas na ebidensya si Pacquiao hinggil sa anito’y lumalalang katiwalian sa pamahalaan partikular sa DOH at DSWD kaugnay sa COVID-19 response.
Ayon kay Belgica, ang totoo ay nag doble o pinalakas pa ng gobyerno ang kampanya nito kontra korupsyon dahil bukod sa PACC ay itinatag din ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Bukod dito, marami na ring reklamo ng katiwalian sa gobyerno ang iniimbestigahan nila kaya’t maling sabihing dumoble ang korupsyon sa pamahalaan.
To summarize the numbers, maliit talaga ‘yung sinasabi ni Sen. Manny. Pangalawa, we are waiting for the document na sabi niya na dadalhin niya samin para makita namin kung ang nasusundan niya ay the same issues na iniimbestigahan na po namin. Pero just to say na hindi pa po namin nakukuha ‘yon, nagpatawag na po kami ng isa pang hearing with DSWD to bring clarity doon sa mga alibi ko sa inyo na napirmahan niya. The biggest problem ko doon sa allegations na ito meron ng conclusion, wala pang investigation so malabo talaga,” ani Greco sa panayam ng IZ sa Ala Sais