Tila ipinahiwatig ng comedian host na si Vice Ganda ang relasyon sa pagitan nina Bella Padilla at Zanjoe Marudo na dating nagkatambal sa Kapamilya teleserye na My Dear Heart.
Ito ay matapos na maging panauhin si Bella sa Gandang Gabi Vice at pilit paaminin ng komedyante sa estado ng relasyon nila ni Zanjoe.
Ayon kay Vice pakiramdam niya ay hindi na single ang status ni Bella pero ayaw lang sabihin nito at naghihintay ng tamang timing bago isapubliko.
Pagbibiro pa ni vice, nasaktan siya nang malaman ang relasyon ng dalawa dahil great love niya si Zanjoe pero handan naman umano siyang magparaya at magpalaya.
Mariin namang itinanggi ng aktres na sila na ni Zanjoe at pabiro lang na sinabi na “Sana nga”.
Ayon rin kay Bella, single siya nguni’t sobra-sobra aniya ang kanyang nararamdaman na saya.
By Krista de Dios