Kabilang sa recipients ng Outstanding Asian Star Prize sa 17th Seoul International Drama Awards ang aktres na si Belle Mariano.
Kinumpirma ito ng Rise Artists Studio, kung saan si Belle ang kauna-unahang Pinay na nagkamit ng naturang award.
Nabatid na kabilang sa Filipino Nominees sa nasabing kategorya ang screen partner ni Belle na si Donny Pangilinan, gayundin ang Star Magic Artists na sina Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, Maris Racal, Kaila Estrada, at Zanjoe Marudo.
Idaraos ang Formal awarding sa Seoul, South Korea, na ipapalabas sa KBS 2TV sa September 22.
Una nang nakuha nina Alden Richards at Dingdong Dantes ang naturang award noong 2019 at 2020.