Hindi lamang gumagawa ng pangalan sa pag-arte ang break-out star na si Belle Mariano kundi pati na rin sa industriya ng musika.
Ayon sa aktres, ang kanyang mga sesyon sa pagkanta sa harap ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang nakatulong sa “pagtuklas” ng kanyang talento.
Nakatakda si Mariano na magdaos ng kanyang kauna-unahang solo concert sa darating na Enero a-29.
Kung saan, ang kanyang on-screen partner na si Donny Pangilinan ay espesyal na panauhin sa concert.
Umaasa si Mariano na makapag-compose din siya ng mga awitin at makapag-release ng sarili nitong album ngayong taon. —sa panulat ni Kim Gomez