Nakuha na ng aktres na si Belle Mariano ang kanyang Outstanding Asian Star Award sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.
Suot ni Belle ang isang Francis Libiran gown sa pagtanggap ng naturang award.
Nasungkit ng aktres ang naturang parangal dahil sa kanyang pagganap bilang Maxpein sa romance series na “He’s into Her,” na pinagbidahan nila ng kanyang love-team partner na si Donny Pangilinan.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Belle na isa siyang proud na filipino at kabilang sa kanyang mga pinasalamatan ang seoul international drama awards, gayundin ang kanyang co-star na si Donny at kanyang management.
Si Belle ang kauna-unahang filipino actress na nagkamit ng naturang award, matapos unang gawaran ng naturang parangal sina Alden Richards noong 2019, at Dingdong Dantes noong 2020.