Bubuweltahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang nag-akusa sa kanya ng katiwalian.
Hinamon rin ni Bello si Amanda Araneta, may-ari ng MNML Recruitment Agency na kasuhan siya kung kaya nitong patunayan ang mga ibinabato niyang akusasyon.
Inamin ni Bello na mayroong isang okasyon na binigyan siya ng regalong pabango ni Araneta na nang buksan niya ay mayroong pera sa loob.
Gayunman, agad aniya niyang ipinasoli ang regalo kay Araneta at binantaan pa niyang hindi na ito makakapasok sa kanyang tanggapan kapag hindi niya binawi ang regalo.
Una rito, ibinunyag ni Araneta na dalawang beses siyang nagbigay ng regalo kay Bello.
Ang una aniya ay nung Pasko ng 2016 na isang cellphone at isandaang libong piso (P100,000) na tinanggap di umano ni Bello at ang pangalawa ay birthday gift na pabango at isandaang libong piso (P100,000) pero hindi na umano tinanggap ng kalihim.
—-