Nilinaw ngayon ni Government Chief Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi target ng gobyerno ang grupong Makabayan sa operasyon ng pamahalaan kontra New People’s Army o NPA.
Ito ang pagtiyak ni Bello sa pangamba ng grupong Makabayan na sila naman ang sunod na imbestigahan at bantayan ng pamahalaan dahil sa aktibong pagsuporta ng mga ito sa komunistang grupo at pagiging kritiko ng administrasyon.
Binigyang – diin ni Bello na iginagalang ng pamahalaan ang karapatang maghayag ng naturang grupo.
Ang Makabayan Bloc ay binubuo ng partylist groups na ACT Teachers, Bayan Muna at Anak Pawis.
Huwag lang sila mag – advocate ng ‘yung akto that will provide the enemy.
Peace talks may pag–asa pa
May pag – asa pang muling gumulong ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP – NPA.
Sa ika – 84 anibersaryo ng Department of Labor and Employment o DOLE, sinabi ng Pangulo na balang araw ay posible namang muling buhayin ang peace talks sa rebeldeng grupo.
Para matuloy ayon sa Pangulo ay dapat na itigil muna ng makakaliwang grupo ang kanilang mga iligal na aktbidad.
Sinigundahan naman ito ni Government Chief Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello.
Ayon kay Bello, naniniwala siyang may pag – asa pa rin ang peace negotiation sa rebeldeng grupo sa kabila ng pagpapatigil dito ng Pangulo.
Kami sa Panel hindi pa kami nagsu – surrender na hihintayin niya, na ang kausap namin ay magpakita naman ng sinceridad kasi wala naman silang masabi sa pinakita sa kanila ng Pangulo.