Naghihintay na lamang ng go signal si Labor Secretary Silvestre Bello III mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para magtungo ng Kuwait.
Ito naman ay para isulong ang pakikipag-usap sa Kuwaiti government kaugnay sa kalagayan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs doon.
Magugunitang inihayag noon ni Bello na kanyang inaasahan ang pagpunta sa Kuwait nito sanang Mayo 7.
Samantala, sinabi naman ni National Commission on Filipino Muslims Director Dimapuno Alonto Datu Ramos Jr. na naging produktibo ang pakikipag-usap ng ipinadalang delegasyon ng Pilipinas sa Kuwait.
Kaugnay naman ito sa pagsasaayos sa gusot sa pagitan ng dalawang bansa matapos hindi magustuhan ng Kuwaiti government ang paraan ng ginawang pagsagip ng Philippine Embassy sa dalawang distressed OFWs doon.
—-