Hindi naman kailangang buwagin ang Professional Regulations Commission (PRC).
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III matapos niyang isulong ang pagbuwag sa nursing board at bar examinations.
Binigyang diin sa DWIZ ni Bello na ang PRC ay isang regulatory body na ang pangunahing trabaho ay i-evaluate ang kakayahan ng isang professional.
Andyan pa rin sila, kasi regulatory body ang mga yan, sila ang nagdidisiplina, tinitingnan ang tamang performance ng ating mga professionals, pero hindi naman kailangan ang examination diba? Hindi naman yan ang tanging paraan na para malamang ang isang tao, kung handa nang i-practise ang kanyang profession,hindi naman examination hindi naman kailangang i-abolish ang PRC yung mga board of nursing, board of Engineering, hindi naman kailangan , nandiyan naman sila because they are the regulatory body, ang sabi ko naman pag-aralan lang, ″ pahayag ni Secretary Bello .