Ipinauubaya na lamang ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa iba pang kwalipikadong opisyal na pamahalaan ang pagtakbo bilang senador sa 2019 midterm election.
Ito ang inihayag ni Bello matapos na muling igiit na wala siyang balak kumandidato sa pagkasenador sa susunod na taon.
Ayon kay Bello, makailang ulit na rin siyang kinausap at hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbo.
Aniya, bagama’t kanyang ikinalugod ang ipinakikitang tiwala sa kanya ng pangulo, hindi naman aniya ito sapat na dahilan para tuluyan nang tumakbo sa pagka senador.
Dagdag ni Bello, sa kanyang edad na 75 ay mas nanaisin na lamang niyang magpahinga.