Nahaharap si Labor Secretary Silvestre Bello III sa panibagong alegasyon ng katiwalian sa Presidential Anti-Corruption Commission dahil umano sa pagtanggap ng regalo at paghingi ng suhol mula sa isang recruitment agency owner.
Magugunita noong isang linggo nang igiit ng isang Labor group ang pagbibitiw sa puwesto ng kalihim dahil umano sa pangingikil nito sa mga employment agency at kabiguang tulungan ang isang Filipina migrant worker na nahiwalay sa kanyang anak sa Saudi Arabia.
Ayon kay Amanda Araneta, owner ng MMML Recruitment Services, nagbigay siya kay Bello ng 100,000 pesos na cash gift kapalit ng approval ng kanyang lisensya.
Gayunman, itinanggi ni Bello ang akusasyon ni Araneta sa halip ay hinamong magsampa na lamang ng kaso at inihayag din ng kalihim na layunin lamang ng recruitment agency owner na harangin ang kanyang nominasyon sa pagka-Ombudsman.
—-