Bibigyan pa ng isang pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa komunistang grupo.
Ayon sa pangulo, muli nyang ipadadala si Labor Secretary Silvestre Bello lll sa Netherlands upang muling makipag usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.
Binigyang diin ng pangulo na kahit kailan ay hindi nya maaring isara ang pinto para sa kapayapaan.
Three times we attempted to talk sense dito and it has always failed…I cannot stop. Hindi ko sabihin na ayaw ko makipag-usap, that is not a statement of a leader, of a President,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa situational briefing ng bagyong Tisoy sa Legazpi City.