Tutol si Labor Secretary Silvestre Bello III at isang labor group sa panukalang 35 oras kada linggong pagtatrabaho sa pribadong sektor.
Ayon kay Bello ang pagbabawas sa oras ng trabaho ay magreresulta rin bawas sa suweldo ng mga manggagawa.
Sinabi naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na maraming paglabag sa International Labor Conventions ang panukalang bawasan ang working hours ng mga empleyado.
Una nang isinulong sa kamara ang pag-compress ng international standard work week ng limang araw at 40 oras sa apat na araw at 35 oras.