Walang ideya si Labor Secretary Silvestre Bello III kung sinong kasamahan niya sa gabinete ang nauna nang nagpabakuna laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng naging pag-amin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na may cabinet member na ang nagpaturok ng bakuna kontra COVID-19 kasama ng ilang sundalo kahit wala pang inaaprunahan ang Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Bello, nabatid lamang niya ang usapin matapos mapanood ang balita hinggil dito.
Kaugnay nito, sinabi ni Bello na hindi siya ang tinukoy na miyembro ng gabinete na nagpabakuna kontra COVID-19.
Binigyang diin ng kalihim na mas nais niyang maunang magpabakuna ang iba para makita ang epekto nito.
Hindi ko naman napakinggan, nasa balita, na meron din sa mga cabinet members na nagpabakuna na ewan ko kung sino yon basta ako kung darating man yung bakuna na yan paunahin ko na muna yung iba tingnan ko na muna yung resulta,” ani Bello.