Binalaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga airline company na kakasuhan kung patuloy na maniningil ng travel tax at terminal fees sa mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Nais ni Bello na wag nang paabutin ng Abril 30 ang pagpapatigil sa paniningil ng mga airline company.
Nilinaw ni Bello na hindi dapat ipagpaliban ang pagkansela sa pangongolekta dahil nasa tatlong taon nang nagkabisa ang batas para sa libreng bayarin para sa mga OFW.
Partikular dito ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995 na inamyendahan ng Republic Act 122.
Dudulog umano ang Department of Labor and Employment o DOLE sa Office of the Solicitor General upang magsulong ng kaukulang ligal na hakbang at matigil sa lalong madaling panahon ang paniningil ng travel tax at terminal fees mula sa mga OFW.
Dagdag pa ni Bello, dapat iremit ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Overseas Workers Welfare Administration ang mga travel tax at terminal fees na hindi narefund.
By Avee Devierte |With Report from Aya Yupangco