Tumanggi munang magkomento si Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil sa ginawang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill.
Ayon kay Bello, wala pa siyang natatanggap na kopya ng Veto Message ng Pangulo.
Sinabi pa ng kalihim, magkakaroon din ng pulong sa tanggapan ng DOLE ngayong araw kung saan inaasahang matatalakay ang pagveto ng Pangulo sa Security of Tenure Bill o Anti- Endo Bill.
Gayunman tiniyak ni Bello na kanilang iginagalang ang naging pasiya at magiging hakbang ng Pangulo sa usapin.