Pabor si dating peace negotiator (GRP) at Labor Secretary Silvestre Bello III na muling buhayin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA).
Ayon kay Bello, hindi na mahalaga kung gagawin ang pag-uusap sa pamamagitan ng localized o government peace panel, basta’t umuusad ito.
Sinabi ni Bello, makabubuti ang usapang pangkapayaan para matukoy at matugunan ang mga ugat ng kaguluhan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde.
Paggigiit ng kalihim, matagal nang ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinseridad nito para makamit ang tunay na kapayapaan.
Maganda sana na ma-resume ang peace talks whether it is localized para malaman ang dahilan,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas