Hindi na lalagda si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order para tapusin ang kontraktuwalisyon sa bansa.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang desisyon na ito ng Pangulo ay batay sa rekomendasyon ng Department of Labor and Employment o DOLE na isulong na lang ang pagsasabatas ng panukalang ukol sa endo na nakabinbin pa sa Kongreso.
Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ang desisyong napagkasunduan nilang mga opisyal kasama ang Pangulo.
“[The President] will instead certify as a priority bill the bill that is currently pending on the Senate on security of tenure.”
Sa halip na EO, sinabi ni Bello na sesertipikahan na lamang na urgent ng Pangulo ang panukala kontra endo para maisabatas ito sa lalong madaling panahon.
“Actually the bill and the proposed EO is a reinforcement of Department Order No 174 and we have been emphasizing this during our meeting with labor groups that we can address the issue on unlawful contractualization if there is an effective, honest-to-goodness implementation [of the order].”
“Walang kabuluhan ang EO kung hindi naman iimplement.”
—-