Ikinabahala ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lumabas na datos sa isang international e-commerce website na nagsasabing isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakamababang magpasweldo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Bello na bahagya siyang nababahala sa datos na lumabas sa naturang survey, at batid aniyang mababa nga ang ating average salary kumporme pa kung saang rehiyon ang isang manggagawa.
Pero, ani Bello, kung sa laki o halaga ng sweldo ang pag-uusapan, kongreso ang may kapangyarihang magdikta rito alinsunod sa batas.
Medyo, pero alam mo naman na pagdating sa pay, Congress ang may kapangyarihan diyan,” ani Bello.
Palinawanag naman ni Bello, may tripartite board na nakatuon para suriin ang economic situation sa bawat rehiyon para makapagbigay ito ng wage adjustment kada taon.
‘Yung tripartite group ay ino-observe nila ‘yung economic situation with the region, and on the basis on their assessment they recommend ‘yung wage adjustment,” ani Bello.
Magugunitang lumabas sa Picodi.com, isang international e-commerce website, na isa ang Pilipinas sa pinakamababang magpasweldo na may average salary na higit P15,000 — malayong-malayo sa Switzerland na nasa unang pwesto na nasa P200,000 ang average salary. —sa panayam ng Ratsada Balita