Pinag-aaralan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sesertipikahan na lamang na urgent ang panukala laban sa kontraktuwalisasyon na nakabinbin sa Senado.
Ito ay sa halip na lumagda ang Pangulo ng executive order para tapusin ang ‘endo’.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas malaki ang proteksyong makukuha ng mga manggagawa kung maisasabatas ang mga panukala laban sa kontraktuwalisasyon.
Ayon pa sa kalihim, walang tukoy na petsa kung kailan magdedesisyon ang Pangulo taliwas sa mga unang balita na posibleng isabay ng Punong Ehekutibo sa Araw ng Paggawa o Labor Day ang pagpapalabas ng executive order ukol dito.
Itong hinihingi nilang EO, parang salamin ng pending bill sa Senado kaya sa tingin ko mas maganda kung batas na instead of an executive order. Pahayag ni Bello
Roque, nagpaliwanag sa hindi paglagda ng Pangulo sa EO vs. kontraktwalisasyon
Nagpaliwanag si Presidential Spokesman Harry Roque kung bakit hindi nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order laban sa kontraktwalisasyon.
Dahil aniya ito sa section 2 ng panukalang executive order na nagsasabing hindi ipinagbabawal sa ilalim ng Labor Code of the Philippines ang contractualization.
Ayon kay Roque, pinapayagan talaga sa batas ang kontraktwalisasyon at ang ipinagbabawal ay Ang labor contracting o ‘yung mga tinatawag na ‘endo’ o 555.
Ipinaliwanag ni roque Na pinapayagan sa batas ang pagkuha ng mga empleyado mula sa isang ahensya kung saan sila mga regular na empleyado.
Posible aniyang lagdaan rin ng Pangulo ang EO bago o sa Labor Day.