Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makababalik sa trabaho ang lahat ng mga empleyado na naapektuhan sa naganap na sunog sa NCCC mall sa Davao City.
Sinabi ng kalihim na nakahanap na ng bagong gusali na mapaglilipatan ang BPO company na SSI o Survey Sampling International.
Dagdag pa ni Bello, nakapagsagawa na rin sila ng emergency employment program orientation para sa lahat ng manggagagawa sa nasabing mall.
Inaasikaso na rin aniya ang provision ng survivorship pension sa bawat pamilya na nabiktima ng sunog nagkakahalaga ng tatlong libo at pitong daang piso kada buwan.
Matatandaang nasa tatlumpu’t walo katao ang nasawi sa naganap na sunog makaraang magkaroon ng problema sa electrical circuit ang NCCC mall.