Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala silang ipinatutupad na ‘deployment ban’ sa Kuwait.
Ang ginawa lamang nila, ayon kay Bello ay sinuspindi pansamantala ang pag-proseso ng mga dokumento ng mga Pilipinong sa kauna-unahang pagkakataon ay nais mag-trabaho sa nasabing bansa.
Gusto kong i-clarify na walang deployment ban.
What happened is that, we suspended the processing and issuance of new Overseas Employment Certificate (OEC).
Walang ban, kasi ‘yung may mga OEC, nakakuha na ng OEC pwede na silang magbiyahe at saka ‘yung mga balik-manggagawa, nagbakasyon sila dito, pwede silang bumalik sa Kuwait.
Definitely walang [deployment] ban po.
Una dito, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan siyang pauwiin ang mga Overseas Filipino Worker o OFW sa Kuwait kung hindi matitigil ang pang-aabuso sa mga ito doon.
Tinatayang nasa 250,000 na mga Pinoy ang nagtatrabaho sa Kuwait na karamihan ay domestic workers.