Pinagdo-double time ni House Speaker Feliciano Belmonte si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas para mapataas ang ratings nito.
Sinabi ni Belmonte na dapat nang kumilos si Roxas para ipakita sa publiko ang kakayahan nito at iprisinta na ang sariling plataporma sa taumbayan.
Hindi aniya dapat asahan ni Roxas ang endorsement ng Pangulong Noynoy Aquino na bonus na lamang sa kaniyang pagtakbo sa 2016.
Binigyang diin pa ni Belmonte na panahon para pag-aralan ni Roxas kung bakit hanggang ngayon ay mababa pa rin ang ratings nito at kumilos na para mapataas ito.
By Judith Larino