Posibleng itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 5.50% ang benchmark interest rate sa bansa.
Ito ay matapos itaas ng US federal reserve ang interest rates nito sa 75 basis ponts (BPS).
Noong November 17 unang itinaas ng BSP ang overnight borrowing rate sa 5% para matapatan ang US federal reserve.
Naniniwala naman ang fitch solutions na ang pagiging maganda ng kondisyon ng pananalapi sa mundo at paglago ng ekonomiya ay magdudulot ng pagbagal ng rate hike sa Pilipinas.