Nakatakdang i-beatify bukas ng Simbahang Katoliko, si Benedict Daswa ang guro mula sa South Africa.
Si Daswa ay binugbog hanggang sa mamatay noong 1990, matapos itong tumangging magbayad sa isang mangungulam na nangakong tatapusin ang pananalasa ng malalakas na bagyo sa kanilang rehiyon.
Ayon kay Hugh Slattery, dating Bishop ng Diocese of Tzaneen, hindi maisusulong ang pagiging santo ni Daswa dahil hindi ito nakagawa ng mirakulo subalit napatunayan naman ang pagiging martyr nito.
Inaasahang dadalo sa beatification ang mahigit sa 20,000 katao, kasama na ang 90-taong gulang na nanay ni Daswa na si Ipa.
Magiging kinatawan ni Pope Francis si Italian Cardinal Angelo Amato, ang prefect ng Congregation for the Cause of Saints.
Si Pope Francis ay nakatakdang dumalaw sa South Africa sa Nobyembre, kung kailan inaasahang dadalin ng Santo Papa ang Kenya, Uganda at Central African Republic.
By Katrina Valle