Magsasama-sama sa iiisang entablado ang may 40 OPM artists sa isang benefit concert para sa mga naulila ng malagim na trahedya sa Resorts World Manila noong Hunyo.
Pinangunahan ng OPM artist na si Noel Cabangon ang nasabing pagtatanghal na may pamagat na Kaya Natin ‘To na akma para sa temang pagbangon ng Resorts World sa kasalukuyan.
Maliban kay Cabangon, nakilahok din sa nasabing pagtatanghal sina Dulce, Bituin Escalante, Christian Bautista, Gian Magdangal, Kakai Bautista, Mitoy Yonting, Pinky Marquez at iba pa.
Gagawin ang konsyerto sa Agosto 30 sa New Port City Performing Arts Center habang ang Aegis naman ang siyang magtatanghal sa Setyembre 1 para sa kanilang konsyerto na may pamagat na Aegis na Aegis, A Story of Us.
Muling iparirinig ng banda ang kanilang mga awiting pumatok sa mga nakikinig tulad ng Halik, Basang-Basa Sa Ulan, Luha at Sinta.