Magtataas o magdadagdag pa ng benefit packages ang Philippine Health Insurance Corporation kada buwan sa loob ng tatlong taon.
Ito ang tiniyak ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. sa muling pagharap sa Senate Committee on Health and Demography.
Ayon kay President Ledesma, magsisimula ngayong enero ang three-year benefit plan ng PhilHealth o ang kada buwan na pagtataas ng halaga ng benepisyo.
Magagawa aniya ito dahil maganda ang financial standing ng ahensya sa kabila ng kawalan ng subsidiya mula national government at remittance ng 60-billion pesos sa national treasury mula sa reserve funds. Sa panulat ni Laica Cuevas mual sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)