Dapat tiyakin na karapat dapat na mahihirap ang mapapasok na benepisyaryo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS).
Ito ang naging paalala ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa mga tauhan ng 4PS kasunod ng direktiba sa pagsalang ng mga kawani ng dswd sa “planning workshop on the graduation of non-poor and entry of new poor in Pantawid Pamilyang Pilipino Program.”
Layunin nito na maihanda ang 4PS Program Management Office para sa pag-graduate ng mga benepisyaryo na itinuturing na “non-poor” at pagpasok ng mga bagong benepisyaryong itinuturing namang “poorest of the poor”.
Dagdag pa ng kalihim na malaki ang magiging papel ng mga tauhan ng 4PS dahil nasa kamay nila ang magiging kinabukasan ng mahigit isang milyong papasok na mga benepisyaryo sa naturang programa.