Marami ng mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang pumayag na magpabakuna laban sa COVID-19 kumpara noong nagsimula ang pagbabakuna noong Marso.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Glenda Relova, dahil ito sa information and campaign materials na inilunsad ng kagawaran kaugnay sa kahalagahan ng pagpapabakuna.
Bnigyang-diin niya na sinagot ng naturang pangangampanya ang mga pag-aalinlangan at takot ng ilang mga indibidwal sa pagpapabakuna.
Matatandaang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) spokesperson Jonathan Malaya na 12% o higit limang daang libong indibidwal (526,000) ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.—mula sa panulat ni Airiam Sancho