Tanging “first priority” ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sakaling ang NFA rice na state-subsidy ay muling magamit sa merkado.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar, kung mayroon pang sapat na suplay ay maisasama rin sa mga prayoridad ang mga indigent individual dahil dedepende sa subsidiya na ibibigay ng gobyerno sa National Food Authority (NFA).
Nabatid na mula noong 2019 ay hindi na available sa market ang NFA rice.