Maraming benepisyong makukuha sa pag inom ng lemon water dahil taglay nito ang pinaka mataas na content ng Vitamin C at Minerals.
Nakakatulong din ito sa ating mga muscles na nanghihina at napapagod dahil taglay din nito ang Potassium at Calcium.
kabIlang sa kayang kontrolin nito ay ang:
- UTI at Kidney Stones.
- Nakakatulong para mapaganda ang takbo o tibok ng ating mga puso.
- Weight Loss o pampapayat.
- Strong Immunity dahil mayroon din itong Anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan ng tao at
- Nakakaganda din ito sa kutis ng balat, matalas na paningin
Pero paalala ng mga eksperto na dapat ay limitado o hindi sobra ang pag-inom nito dahil posibleng maging sanhi ng:
- pangangasim ng sikmura o hyperacidity.
- nakakasira ng ngipin, magkaroon ng pangingilo o erosion of teeth
Maaring gumamit ng pitsel at ilagay lamang ang kalahati hanggang isang buo ng lemon at mas mainam din kung sasamahan ito ng honey, pipino, luya o mint leaves saka inumin pagkatapos kumain upang hindi sumakit ang tiyan at hindi magkaroon ng diperensya sa katawan. —sa panulat ni Angelica Doctolero