Alam niyo ba na may benepisyong makukuha ang pag-inom ng Oral Contraceptives Pills (OCP)?
Ito ay makakatulong para maiwasang mabuntis ang isang active sa pakikipagtalik at para maregulate ng tama ang menstrual cycle ng isang babae.
Isa din ito sa nirereseta ng mga doktor sa mga nakakaranas ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ang tinatawag na hormonal imbalance upang maging regular ang menstration ng mga kababaihan.
Ang pills din ang siyang pumipigil sa ovary ng babae para maglabas ng itlog tuwing ovulation day ng isang babae.
Pinapakapal din nito ang cervical mucus ng isang babae na nagsisilbing harang para hindi mameet ni sperm cell si egg cell.
Samantala, mayroon namang epektong idinudulot ang pag-inom ng pills kabilang na ang pagkakaroon ng pimples, bleeding, spotting, pagtaas ng blood pressure, depression, fatigue, pagkahilo, fluid retention o ang hindi masyadong paglalabas ng fluid sa katawan, head ache, increased appetite o ang pagiging magana sa pagkain.
Karamihan din sa mga babaeng umiinom nito ay ang hirap sa kanilang pagtulog, melasma o pagkakaroon ng dark patches sa bahagi ng mukha, mood swings, pagduduwal o pagsusuka, pagsakit ng bahagi ng dibdib at pagtaas ng timbang.
Bukod pa dito, maari ding magkaroon ng blood clot, gallbladder disease, heart attack, high blood pressure, liver cancer at stroke. —sa panulat ni Angelica Doctolero