Inilatag ni Emmanuel Dooc, pangulo ng SSS o Social Security System ang mga benepisyong nagaabang para sa mga miyembro kung sakaling matuloy ang planong dagdag kontribusyon.
Ayon kay Dooc kung maisusulong ito, ang pensyon na natatanggap ng mga miyembrong nakahulog sa loob ng isangdaan at dalawampung buwan o sampung taon na 7,400 Pesos ay magiging 9,000 Pesos na.
Para naman sa mga nakatatlumpung taong hulog magiging 13,300 Pesos na ang kasalukyang buwanang pensiyon na mula sa 10,900 Pesos.
Maging ang maternity benefit aniya ng kaparehong employee ay lalaki rin kapag tinaasan ang monthly salary credit.
Pagdating naman sa funeral benefit ay magiging 32,000 Pesos naman ang kasalukuyang 29,600.
Umaasa ang SSS na maisasabay na ang dagdag kontribusyon sa magiging bagong batas ng tax reform kung saan maraming manggagawa ang hindi na papatawan ng personal income tax.