Kung naghahanap naman kayo ng healthier option bukod sa white rice, Adlai rice ang para sa inyo.
Ang Adlai rice ay may pagkakapareha sa mais at kanin at karaniwang matatagpuan sa Eastern at Southern Asia.
Kamukha at kalasa ito ng regular na kanin na may slight nutty flavor.
Mainam ito sa mga nagda-diet lalo na sa mga nagmomonitor ng kanilang calorie intake dahil ito ay isang energy-dense at nutritionally-dense food kaya kahit sa kaonting serving, ay mabubusog ka na.
Sagana rin ito sa protein at high dietary fiber na nagnu-nourish sa probiotic bacteria sa ating bituka na nag-aalis ng masamang kolesterol at nagpapabagal sa pagsipsip ng glucose sa katawan.
May taglay din itong calcium na nakapag-papatibay ng buto at ngipin na importante sa nerve transmission, blood clotting, at muscular function.
At bukod sa lahat, ito rin ay gluten free kaya’t safe na safe ito para sa mga taong may gluten-sensitivity. —sa panulat ni Hannah Oledan