Inilatag ni US Secretary of State John Kerry ang benepisyo ng Pilipinas at Estados Unidos sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ito ay sa harap ng pagpapatibay ng Korte Suprema sa legalidad ng naturang kasunduan.
Ayon kay Kerry sa ilalim ng EDCA ay mabilis na naipaaabot ng Estados Unidos ang tulong sa Pilipinas tulad na lamang nang tumama sa bansa ang super bagyong Yolanda.
Sinabi din ni Kerry na sa pamamagitan ng EDCA ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga sundalong Pinoy at Amerikano na makapagsanay ng sabay at makapagpalitan ng mga kaalaman.
Binigyang diin ni Kerry na hindi matatawaran ang malalim na ugnayan at pagkakaibigan ng bansang Pilipinas at Amerika.
Bahagi ng pahayag ni US Secretary of State John Kerry
Kasabay nito, tiniyak ni Kerry ang buong suporta ng Estados Unidos sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni US Secretary of State John Kerry
By Ralph Obina