Para sa mga hindi masyadong nagkakape at mas gusto ang sustansiyang hatid ng gatas.
Alam niyo ba na marami itong benepisyo sa ating katawan?
- Pampalakas ng buto, humihina ang buto natin dahil sa maling posture at kakulangan sa masustansyang pagkain. Ang isang basong gatas ay naglalaman ng 113 mg calcium.
- Mayaman sa bitamina at mineral, ang gatas ay “superfood” na naglalaman ng lahat ng mahahalagang bitamina at mineral na ating kailangan. Ito ay may vitamin B12, na kailangan ng ating utak.
- Mayaman sa protina, ang 100 grams ng gatas ay naglalaman ng 3.2 grams ng protina. Ang protina ay tumutulong sa ating katawan para gumawa ng enzymes, palakasin at maghilom ang kalamanan, kasu-kasuan at balat.
- Nagpapa-kalma, tumutulong ang gatas na pakalmahin tayo at pinapapawi ang ating isip.
- Para malusog at maganda ang balat, ang pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng gatas kada araw ay makatutulong para gumanda ang iyong balat dahil sa sustansya nito.
- Para sa sobrang magpawis, ang sobrang pawis ay nakatatanggal ng electrolytes sa ating katawan gaya ng potassium at sodium. Nakatutulong ang gatas para muling maibalik ang mga nawalang sangkap. sa panulat ni Abby Malanday